Google

Tuesday, May 20, 2008

.... AKALA KOH!

Sa lahat ng pwedeng mahalin bakit kaya ikaw pa?
Ikaw na may mahal nang
iba... Nasasaktan lang ako eh. Pero di kita
masisisi. Siguro mahal lang
talaga kita. Ito lang tanong ko... Siya ba, mahal
ka niya?

Magulo talaga ang mundo. Kapag gusto ka, ayaw
mo. Kapag gusto mo, ayaw
naman sayo. Pero diba mas masakit kung mahal
mo, mahal ka... pero di
naging kayo??? *KABOOM*

Minsan badtrip magmahal. Iwasan mo, ikaw din
ang masasaktan. Sundan mo,
kaw din ang iiyak. Bigay mo lahat, kulang pa rin.
Nagpakatanga ka,
gagaguhin ka pa. Minsan hintay ka ng hintay, di
mo alam iniwan ka na
pala...

Happy ako kasi akala ko mahal mo ako... Kaw
kasi e, ang bait mo sa
akin... Nahulog tuloy ako sayo... Tapos sasabihin
mo lang... "Syempre
love kita, kaibigan kita eh."

Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo,
hindi mo alam kung saan ka
lulugar. Di ka dapat umasa o di kaya mainis sa
kanya... Bakit? Anong
karapatan mo? "Kaibigan" ka lang naman diba?

Kumatok ka sa puso ko...
Pinatuloy kita...
Pero kinuha mo ang susi nito...
At umalis ka na lang bigla...
Tanong ko lang, "babalik ka pa ba?
Di na kasi mabuksan ng iba eh..."

May mga taong gago... May mga taong tanga...
Kapag nagmahal ka ng taong
ayaw sayo, gago ka. Kapag hindi mo alam na may
nagmamahal sayo, tanga
ka. Ako, alam ko gago ako, sana hindi ka tanga...

Kunwari, masaya ako... Kunwari, okay ako...
Kunwari, wala akong
problema... Kunwari, nasa langit ako... Okay lang
ba kung isipin kong
kunwari mahal mo rin ako? Kunwari lang naman
eh...

Bakit ganun? Kahit anong sakit naman, tiniis ko...
Kahit anong hirap,
kinaya ko... Kahit anong kasalanan mo, pinatawad
ko... Kahit sobra
sobra pagmamahal ko sayo... Bakit ganun? Iniwan
mo pa rin ako...

Sabi ko suko na ako... Sabi ko di na kita mahal...
Sabi ko malilimutan
rin kita... Sabi ko di na kita kailangan... Sabi ko
masaya na ako...
Sabi ko yun... Pero sana yun rin sabi ng puso ko...

Na feel mo na ba yung...
Akala mo forget mo na siya?
Wala na...
Tapos na lahat...
Tapos isang araw,
Nagkita kayo...
Ngumiti sayo...
Nasabi mo nalang,
"Mahal ko pa siya!"

Isang araw, parang mahal mo ako. Isang araw,
hindi mo ako pinapansin at
parang wala lang sayo. Isang araw sabi mo,
mahal mo ako. Sabay isang araw sabi mo, "Uy! Loko lang yun ah! "

No comments: